Ang Epekto ng Kolonisasyon sa Pilipinas at Paano Mahalin Ang Pilipinas

Ako si Arlo S. Castillo, isang estudyante ng Xavier School. Totoo nga na may maraming epekto ang kolonisasyon ang ating bansa. Totoo na may maraming maling steryotipo tungkol sa Pilipinas at sa paninging ng mga tao nito. Ito ang aking isinulat upang ipaliwanag kung paano mahalin ang sariling bansa at paano mawala ang kolonyal na mentalidad.

image

Tanungin natin ang mga tao sa paligid, mga taong nagtitinda sa greenhills o ang mga tao na nagtitinda sa palengke, ano ang pumapasok sa kaisipan kung narinig ang salitang Amerikano o kano. Tanungin nyo rin kung ano ang pumapasok sa kaisipan kung narinig ang salitang “foreigner”. Madalas, ang mga sagot dito ay mayaman, gwapo, maputi at matatalino. Kapag ako’y nagtanong, napapansin ko na ang mga sagot ng mga tao ay madalas pagpupuri. Tinatanong ko sa aking sarili, kapag nakarinig ng mga salitang foreigner ay madalas pinupuri, bakit kaya kaoag kapwa Pilipino ang pinaguusapan ay hindi ito pinupuri? Ang rason dito ay dahil sa kolonyal na mentalidad.

Ang bansang Pilipinas ay naging kolonya na ng iba’t ibang bansa noon. Ang Amerika at ang Espanya ay dalawang bansa na nagbigay ng kolonyal na mentalidad sa mga taong Pilipino. Ito ay dahil sa panahoon noon, sila ang nagpakilala sa atin ng mga bagong technolohiya at iba’t ibang kagamitan. Dahil dito, mataas ang tingin natin sa mga taong galing sa ibang bansa lalo na sa mga taga Amerika.

Kapag pumupunta ang kababayan natin sa mga mall, ano ang ipinagtataas, ang mga kagamitan na gawa dito o ang mga “imported goods”? Madalas na ipinagmamalaki ng nga tao ang imported goods dahil ito ay gawa sa ibang bansa. Mga kagamitan daw ng mga mayayaman diba? Ito ay isang maling paningin ng mga taong Pilipino ngayon, masmahalaga o masmaganda ang mga kagamitan na galing o gawa sa ibang bansa. Kapag ipinagisipan natin, di porket ang gamit ay gawa sa ibang bansa ay masmaganda sa mga gamit gawa dito sa Pilipinas. Ang mga gamit na gawa dito ay magkasing-ganda sa mga gamit na gawa sa ibang bansa. Di ba sa ibang bansa ang tawag rin sa mga gamit na galing sa Pilipinas ay imported goods? Ang ipinapakita ko rito na ang mga gamit na galing sa Pilipinas ay magaganda rin. Kailangan mawala ang steryotipo na kapag galing sa ibang bansa ay masmaganda. Ang mga pagkain na galing sa ay masarap pero di na na masarap rin ang mga pagkain na gawa dito? Ang dried mangoes ay isa sa mga maraming produkto ng Pilipinas na masarap at ang mga foreigner din ay nasasarapan dito. Tama nga na ang Pilipinas ay naging “dumping ground” ng mga imported goods at tayo’y mga bulag na hindi natin nakikita na maganda rin ang mga produkto na galing sa Pilipinas.

Magisip muli tayo, bakit nagkaroon ng steryotipo ang mga taong Pilipino na mas mataas ang mga tao na galing sa ibang bansa kaysa sa atin? Ang mga binabasa at ninonood natin ay isa rin sa maraming sanhi na posibleng nagdala ng paningin na ito. Kapag nanood tayo ng sine, nakikita natin na ang mga tauhan sa mga palabas ng Star Cinema o ano man ay nagiingles rin. Madalas itong mga nagiingles ay mga mayayaman sa mga palabas at ipinapakita na sosyal at matalino sila. Sa mga palabas, nakikita natin na kapag nagiingles ang mga tauhan ay madalas may kaya at nakatos ng pagaaral. Sila’y gumagamit ng ingles kapag ang pinaguusapan ay ang negosyo at minsan, sila’y sadyang nagiingles upang ipakita na sila’y may mataas na posisyon sa lipunan. Ang mga bida rito katulad ni Kim Chiu o kahit man si Ai Ai Delas Alas kahit hirap magingles ay nagiingles pa rin dahil ipinapakita nila na sosyal ang paggamit ng wikang ingles. Nakakatuwa nga kung bakit pa nagiingles at hindi nagtatagalog upang ipakita na sila’y sosyal, mayaman at nakapagaral. Diba tayo’y nagaral rin ng tagalog. Diba ang mga mayaman rin ay gumagamit ng tagalog. Paano kaya na porket nagingles ang isang tao ay sosyal sila? Ito ay nadala sa kolonisasyon ng Amerika na nagpakita sa atin na sila ay masmataas sa atin. Dahil dito, kapag tayo’y kumilos o magsalita katulad nila, tayo’y sosyal na rin.

Wala naman rason na masmataas ang paningin natin sa mga tao at mga gamit na galing sa ibang bansa. Upang iwasan natin ang mababang paningin sa kapwa Pilipino at sa sariling bansa, naglista ako ng anim na paraan upang mawala ang kolonyal na mentalidad.

Mahalin Ang Sariling Bansa

Paano mo kaya ipagmamalaki ang pagiging Pilipino mo kungnhindi mo mahal ang Pilipinas? Upang Maging tunay na Pinoy, dapat mahal natin ang Pilipinas at dapat nakikita natin kung bakit espesyal ang Pilipinas.

Pumunta Sa Iba’t Ibang Lugar Dito Sa Pilipinas
Upang maslalo natin mahalin ang ating bansa, dapat pumupunta tayo sa mga iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. Dito natin makikita ang tunay na kagandahan ng Pilipinas. Sabi nga nila na “It’s More Fun In The Philippines” at totoo naman ito. Kapag pumunta tayo sa Tagaytay, Baguio, Bohol, Palawan at ibang mga lugar ng Pilipinas, makikita natin ang mga meron dito na wala sa ibang bansa. Sa white sand o sa chocolate hills man ay mapapansin natin na tunay na maganda ang Pilipinas.

Aralin Ang Historya Ng Pilipinas

“He who does not know how to look back at where he came from will never get to his destination” Ito mismo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal at sinabi niya na dapat alamin natin kung saan tayo galing at alamin ang kwento o historya nito. Kapag di natin alam ang historya ng Pilipinas, paano natin sasabihin na magiging isang magaling at mahusay na Pilipino tayo kung hindi natin alam ang mga mahusay na gawain ng mga taong Pilipino noon. Kapag naaaral nating ang historya ng ating bansa, nakikita natin na mayaman ang kultura nito at nasa atin na ituloy ay kayamanan ng kulturang Pilipino.

Magsalita Ng Tagalog

“He who does not love his own language is worse than an animal and smelly fish” Ito rin ay sinabi ni Dr. Jose Rizal at para sa akin, totoo ito. Kung hindi natin mahal ang wikang Tagalog, hindi natin mahal ang ating kultura. Paano natin sasabihin na tunay na Pilipino tayo jung hindi tayo nagtatagalog. Imbis na nagtatagalog tayo’y nagiingles dahil ito raw ay sosyal. Kung tayo’y nagtatagalog, aalamin natin kung gaano kalalim ang wika at kung gaano kalawak ang bokabularyo ng mga Pilipino.

Magbasa Ng Mga Aklat Na Nakasulat Sa Tagalog

Magbasa ng mga aklat na Filipino. Noli Me Tangere, Ibong Adarna at Florante at Laura ay ang mga konting aklat na nabasa ko habang ako’y nagaaral pa. Sapagbabasa nito, napansin ko na malalim ang wikang Pilipino at kung gaano kayaman ang kultura nito. Tama nga na noong panahon ng kolonisasyon, umiba ang ating bayan, pero kahit nangyari ito, mayaman pa rin ang kulturang Pilipino at nakikita rin ito sa mga aklat na binabasa. Nakikita rin natin ang naganap noon sa mga nangyayari sa aklat at lalo natin makikilala ang ating bansa.

Bumili Ng Produktong Pilipino

Ang produkto ng Pilipinas ay hindi umiiba sa “imported goods”. Ang pagkain ay masarap, magaganda ang mga damit at ang mga iba’t ibang gamit katulad ng dried mangoes ay orihinal at galing sa Pilipinas. Suportahin natin ang mga gamit na gawa dito at unti unting mamahalin natin at ipagmamalaki nating ang sariling bansa.

Tama nga na dahil sa kolonisasyon, nagdala ito ng mga steryotipo na hindi maganda at nakakababa sa sariling bansa, pero kaoag gianwa natin ang mga ito, matututunan natin mahalin ang ating bansa at malalaman rin natin kung gaano kalalim ang kultura nito. Ang kolonyal na mentalidad ay ang nagpipikit ng ating mata at nagbubulag sa atin upang hindi natin makita ang tunay na kagandahan nang Pilipinas. Ibago natin ang ating paningin at maging Pilipino sa isip, salita at gawa.